umibig ka sa mga natutuyong dahon...
gaya ng pag-ibig mo sa sumisibol na kabute--
sumusulpot din ang mga damdaming di malimi ang pinagmumulan.
gaya ng taglagas, mapula,
gaya ng taglamig, kulay lupa.
gaya ng mga patak ng hamog na bumabalot sa bawat talulot...
ninanakaw mo ang anyo ng pagsibol
at inaangkin ang damo na babalot sana sa mundo...
umibig ka...